Sinag na bumabalot sa kalangitan

 ilawan ang sanlibutan

Kainin  ang kadiliman 

gisingin ang sangkatauhan

Habang ikay iniikutan 

ng planetang aming tirahan

Apollo ng Sanlibutan

Bigyan ng Liwanag ang buwan

Tanglaw ng kalawakan

Halikan itong sandaigdigan

At bawat daan 

Iyong Liwanagan

 At Kulayan

At itoy pintahan

Ng  bagong kasiyahan

Taglay ang kapayapaan

Sunugin ang Kalngkutan

pabaon ng nakaraan

Balot ng karimlan

Isinilang sa silangan

Dalay Horus, Kabataan

At sa Kanluran 

Tanggalin ang kagandahan

Ng iyong Kinulayan

Pati ang kasiyahan

Balot saming isipan.